Malakanyang, sinabing hindi dapat harangin ang Senate probe sa Pharmally scandal

By Jan Escosio October 12, 2021 - 02:01 PM

Senate PRIB photo

Hinikayat ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang Palasyo ng Malakanyang na pakinggan ang panawagan ng medical experts at dating kalihim ng Department of Health (DOH) na huwag harangin ang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee sa sinasabing Pharmally scandal.

Aniya, ang buong bansa ang nakatutok kayat dapat ay pakinggan ng Palasyo ang mamamayan.

“May prescription na po ang mga doctor: let’s follow the doctors’ prescription and allow an unimpeded Senate investigation into the PS-DBM anomalous transactions,” sabi nito.

Kasabay nito, pinasalamatan ng senador ang frontline medical doctors sa pagsuporta sa pagpupursige ng Senado na mailantad ang buong katotohanan sa bilyun-bilyong pisong halaga ng kontrata na nakuha ng Pharmally sa gobyerno.

Nauna na aniyang nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines kay Pangulong Duterte na hayaan ang mga miyembro ng Gabinete na humarap sa pagdinig.

Una na rin sinabi ni Drilon na labag sa Saligang Batas ang utos ni Pangulong Duterte at may nailabas ng desisyon ang Korte Suprema ukol dito.

TAGS: doh, FranklinDrilon, InquirerNews, Pharmally, RadyoInquirerNews, doh, FranklinDrilon, InquirerNews, Pharmally, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.