Duterte: Mga ayaw magpa-bakuna kontra COVID-19, turukan habang natutulog

By Chona Yu October 12, 2021 - 11:48 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Pangulo, batid niya na marami pa rin ang ayaw magpabakuna.

Solusyon ng Pangulo, akyatin ang bahay at turukan habang natutulog.

Sa ganitong paraan, sinabi ng Pangulo na makukumpleto na ang istorya.

“Magpabakuna. Alam ko marami pang ayaw eh. Iyan ang problema ‘yung ayaw, ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin ‘pag tulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ‘yung istorya. Eh kung ayaw, eh ‘di akyatin sa bahay eh, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano — I will lead the journey,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, nasa 50 milyong katao na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

 

TAGS: COVID-19, Rodrigo Duterte, turukan habang tulog, COVID-19, Rodrigo Duterte, turukan habang tulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.