Isa pang paaralan na gagamiting polling center, pinasabugan sa Maguindanao

By Jay Dones May 05, 2016 - 04:44 AM

 

Mula sa Wikipedia

Ilang araw bago ang halalan, isa na namang paaralan ang pinasabugan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Sr. Insp. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat, isang rifle grenade ang pinasabog ng mga suspek sa Sandakan daycare center sa Barangay Dalumangcob.

Ang naturang daycare center ay isa sa mga gagamitin sana bilang polling precinct sa araw ng eleksyon sa May 9.

Ayon kay Madin, kanilang itinuturing na election-related ang insidente bagamat patuloy pa ang kanilang pagkalap ng karagdagang impormasyon.

Dahil sa pinakahuling insdentte, ilang mga guro na magisisilbi sana bilang Board of Election Inspectors ang nangangamba at nagdadalawang-isip nang magsilbi sa araw ng halalan.

Ang pinakahuling insidente ay ikawalo na sa serye ng pagpapasabog sa mga paaralan sa lalawigan ng Maguindanao.

Noong nakaraang linggo lamang, pitong paaralan ang pinasabugan din at sinunog pa ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Sultan Mastura na katabi lamang ng bayan ng Sultan Kudarat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.