Bagyong ‘Maring’ Signal No. 2 nakataas sa anim na lalawigan

By Jan Escosio October 10, 2021 - 08:15 PM

Sa patuloy na pagkilos ng bagyong ‘Maring’ sa bahagi ng Philippine Sea, itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone wind signal Number 2 sa anim na lalawigan sa tatlong rehiyon sa Hilagang Luzon.

Sakop ng Signal No. 2 ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalingan at Ilocos Norte dahil sa inaasahang direktang epekto ng bagyo.

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, natitirang bahagi ng Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Benguet, ilang bahagi ng Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Catanduanes, Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Dahil sa epekto ng bagyo sa habagat magiging maulan din sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan at Occidental Mindoro.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 645 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 105 kph habang kumikilos sa direksyon na kanluran – hilagangkanluran sa bilis na 20 kph.

Hindi isinasantabi ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan ng Luzon at posible din na lumakas sa susunod na 12 oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.