Ping Lacson – Tito Sotto tandem may 15 ‘senatoriables’

By Jan Escosio October 09, 2021 - 12:36 PM

Kung ang ilang partido ay problema pa ang pag-kumpleto sa kanilang senatorial line-up, ang tandem nina Ping Lacson – Tito Sotto ay iniintindi ang 15 nilang ‘senatoriables.’

Ito ang ibinahagi ni Sotto matapos an isinagawa niyang consultative meeting sa Lapu-Lapu City sa Cebu sa mga kinatawan ng ibat-ibang sektor ng lipunan mula sa ibat-ibang bahagi ng Visayas.

Nang maghain sila ni Lacson ng kanilang certificate of candidacy (COC) naibahagi ni Sotto na may 14 pangalan sa kanilang senatorial line-up.

Makalipas ang dalawang araw, nadagdagan pa ng isang pangalan ang listahan.

Ayon kay Sotto, sa Lunes ay pagpupulungan nila kung sino-sino ang 12 makakasama sa kanilang senatorial line-up.

Ngunit naibahagi niya may siyam ng sigurado na makakasama sa listahan ngunit tumanggi pa siyang pangalanan ang mga ito.

“Sa tagal naman ni Ping sa Senado alam na namin sino ang talagang bagay sa Senado. Alam naman na naming kung sino ang gusto naming i-endorse, mga walo yun o siyam ganun,” sabi nito.

Ibinahagi niya na lumubo ang listahan dahil may mga lumapit at nagsabi na gusto nilang makasama sa ieendorso ng Lacson – Sotto tandem.

“Hindi naman basta-basta matatanggihan agad,” sabi ni Sotto, na sa isang survey ay No. 1 sa hanay ng mga nais maging susunod na bise-presidente ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.