Mga nagkakanlong sa Abu Sayyaf, tutugisin din

By Alvin Barcelona May 05, 2016 - 01:01 AM

 

Abu Sayyaf 1Inulit ng Malacañang ang banta nito sa Abu Sayyaf Group na pumugot sa ulo ng bihag nitong Canadian sa Basilan.

Kasunod ito ng paglabas ng video ng pagpugot sa bihag ng bandidong grupo na si John Ridsdell at ang pagbabanta nito kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, una nang binalaan ni Pangulo ang Abu Sayyaf pati na ang mga nagkakanlong dito na ang buong pwersa ng pamahalaan kontra sa bandidong grupo.

Nananatili aniya na prayoridad ng gobyerno ang pagligtas sa mga bihag at ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga sibilyan.

Siniguro din aniya ni Pangulo na hindi ititigil ang operasyon ng puwersa ng gobyerno hangga’t hindi nawawakasan ang banta ng bandidong grupo sa mga komunidad sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.