Mayor Sara Duterte pinaka-kwalipikadong kandidato sa pagka-pangulo

By Chona Yu October 07, 2021 - 04:55 PM

Ipinagdarasal ni Presidential Spokesman Harry Roque na pakikinggan ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang panawagan ng taong bayan na tumakbong pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Hindi maikakaila ayon kay Roque na malakas ang hinaing ng taong bayan na sumali na rin ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa presidential race.

“Sa ngalan po ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nananalangin na sana po iyong gusto ng nakakaraming Pilipino na tumakbo ng presidente, Sara Duterte, ay dinggin po ang hinaing ng sambayanan,” pahayag ni Roque.

Sinabi pa ni Roque na magvi-vigil sila sa Malakanyang bukas kung maghahain ng kandidatura si Mayor Sara.

Maging si Pangulong Duterte aniya ay umaasa na kakandidatong pangulo ng bansa si Mayor Sara.

Sinabi pa ni Roque na bilang ama, hindi pa rin naman nawawala kay Pangulong Duterte na mag-alala sa kanyang anak.

Ayaw kasi aniya ng Pangulo na maranasan ni Mayor Sara ang maruming laro sa pulitika.

“Wala naman po sigurong nagbago. Bilang isang ama, ayaw naman niyang madanasan din ni Mayor Sara iyong kumbaga the worst face of politics ‘no, iyong mga intriga. Pero nakita naman po natin na sa mula’t mula po talaga, ako po talaga ay sinabihan ni Presidente na ang gusto niya sanang kandidato ay si Mayor Sara. Pero ang problema nga po eh, sa mula’t mula rin ay sinasabi ni Mayor Sara na parang ayaw niyang tumakbo ‘no,” pahayag ni Roque.

Naniniwala kasi aniya ang Pangulo na si Mayor Sara ang pinaka kwalipikadong kandidato sa pagka-pangulo.

“But I have hinged my political future to that of Mayor Sara. The President has from the very beginning believe that she is the most able candidate for president. And apparently, it’s not just I who agreed with it; it’s also the rest of the Filipino people if we are to believe surveys as reflective of the people’s sentiments,” pahayag ni Roque.

“So all we can say right now is, we’re praying for Mayor Sara to make the right decision. But in seeking the guidance of God, be reminded that the voice of the people is the voice of God,” dagdag ng kalihim.

TAGS: 2022 elections, Harry Roque, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, 2022 elections, Harry Roque, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.