Vice presidential bid ni Sen. Bong suportado ng 51 gobernador
Limamput isang gobernador ang nangako na susuportahan ang kandidatura ni Senator Christopher Go sa pagka-bise president.
Sa manipesto na inilabas ng mga gobernador, sinabi ng mga ito na naniniwala sila na may sapat ng kaalaman at karanasan si Go dahil sa naobserbahan nito ng malapitan si Pangulong Duterte.
Naniniwala din ang grupo ng mga senador na batid ng senador ang pangangailangan ng mga kani-kanilang lalawigan.
Isa din sa binanggit nila ay ang pagpapataguyod ni Go ng Malasakit Centers na malaking tulong para sa pagbibigay ng serbisyong-medikal at pangkalusugan ng mamamayan.
Nang maghain ng kanyang certificate of candidacy si Go, tiniyak nito na ipagpapatuloy niya ang lahat ng mga nasimulang programa ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.