Iba pang lokal na kandidato, dagsa rin sa iba’t ibang tanggapan ng Comelec

October 05, 2021 - 07:03 PM

Sa ikalimang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), tuloy din ang pagdagsa ng mga lokal na kandidato sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang lugar.

Maagang nagtungo sa Comelec sa Cabuyao City, Laguna ang grupo ni Barangay Niogan Chairman Dennis Hain para maghain ng kandidatura.

Si Hain, presidente ng Association of Barangay Council sa Cabuyao City, ay tatakbong alkalde.

Isinusulong nito ang pagbabago sa kanilang siyudad.

Dapat aniyang maibalik sa mamamayan ng Cabuyao ang pera na para sa kanila lalo na ang sa usaping pangkalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Pagtutuunan din nito ng pansin ang trabaho at kabuhayan para sa kanilang mga kababayan.

Sa Obando, Bulacan naman, naghain ng kandidatura sa pagka-konsehal ang Sangguniang Kabataan President ng Barangay Paco na si Mico dela Paz.

Sabi ni dela Cruz, bilang isang kabataan, nakita nito ang mga pangangailangan pa ng kanilang mga kababayan kaya nagpasya itong tumakbo.

Naging aktibo si dela Paz sa pagtulong sa kanilang mga kababayan lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang konsehal ng nasabi ring bayan na si Rowell Sta. Ana-Rillera ay muling tatakbong konsehal ng bayan.

Giit ni Rillera, itutuloy nito ang nasimulang pagseserbisyo sa kanilang mga kababayan.

Bago siya naging konsehal, pangulo rin ito ng SK sa kanilang barangay.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.