Tatakbo o hindi? Plano ni VP Leni malalaman sa Oktubre 7
Sa darating na Huwebes, Oktubre 7, malalaman na ng sambayanan ang plano ni Vice President Leni Robredo sa 2022 national and local elections.
Ito ang sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez.
Ayon kay Gutierrez alas-11 sa Huwebes gagawin ni Robredo ang anunsiyo sa Quezon City Reception House.
“VP Leni will make an important announcement this Thursday, Oct 7, at 11 am. Please stay tuned,” ang tweet ni Gutierrez.
Noong nakaraang Linggo, sa national executive committee meeting ng Liberal Party humingi ng pang-unawa at dasal mula sa sambayanan para sa kanyang pagdedesisyon.
Nakipag-usap din si Robredo sa kampo nina Sen. Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno Domagoso para sa pagkakaroon ng ‘unified opposition’ ngunit naghain na ng kanilang kandidatura sa pagka-pangulo ang senador at alkalde.
Kasunod nito, idineklara ng 1Sambayan na si Robredo ang kanilang ‘presidential bet.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.