Inalis na ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone wind signals sa mga lugar na dinaanan ng Tropical Depression Lannie.
Base sa 11:00am advisory ng Pagasa, kumikilos ang tropical depression sa west-northwestward direction sa bilis na 25 kilometers per hour sa West Philippine Sea.
Napanatili pa rin ng Tropical Depression Lannie ang hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kilometers per hour.
Ngayong araw, inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang s amalakas na ulan ang Palawan kasama na ang Calamian, Kalayaan at Cuyo Islands.
Light hanggang moderate nap ag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas at Mimaropa.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang tropical depression bukas ng tanghali o sa gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.