Naghain na ng kandidatura si Quezon 4th District Rep. Angelina “Helen” Tan sa pagka-gobernador ng naturang lalawigan.
Magiging running mate ni Tan na tatakbo bilang gobernador si Third Enverga.
Nagsumite rin ng kanyang kandidatura para maging kongresista ng 4th district ng Quezon si Mike Tan.
Sinabi ni Tan na kapag siya ay nahalal na gobernador, ipagpapatuloy niya ang nasimulang HEALING Agenda at lalo pang paiigtingin ang mga program at proyektong pangkalusugan lalo na sa gitna ng pandemya, livelihood at job generation upang masugpo ang kahirapan.
Ang HEALING Agenda ni Tan ay kumakatawan sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure Development, Nature/Environment/Tourism at Good Governance sa pamamagitan ng Serbisyong Tunay At Nautral.
Sa lalawigan naman ng Batangas, kasabay ng kanyang kaarawan, naghain na rin ng kanyang kandidatura bilang kongresista ng 2nd District si Atty. Jinky Bitrics-Luistro.
Ayon kay Luistro, batas ukol sa scholarship ang kanyang isusulong sa Kamara kapag siya ay nahalal.
Sa ngayon kasi aniya ay para lamang sa mga matatalinong mahihirap ang scholarship program ng pamahalaan.
Sinamahan ito sa paghahain ng COC ng kanyang mister si Mabini, Batangas Mayor Noel Luistro na nakatakdang muling tumakbo sa pagka-alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.