Pagbabakuna sa mga bata, magsisimula na sa anim na lugar sa Metro Manila sa October 15
Aarangkada na sa anim na lugar sa Metro Manila ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataan sa October 15.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, gagawin ang pagbabakuna sa mga bat ana nag-eedad 12 hanggang 17 anyos sa:
- Philippine Children’s Medical Center
- National Children’s Hospital
- Philippine Heart Center
- Pasig City Children’s Hospital
- Fe del Mundo Medical Center
- Philippine General Hospital
Ayon kay Galvez, gagawin na by phase ang pagbabakuna.
Unang babakunahan ang mga nag-eedad 15 hanggang 17 anyos, pangalawa ang mga nag-eedad 12 hanggang 14 anyos.
Pagkatapos aniya ng 30 araw, palalawakin na ang pagbabakuna sa mga bata at dadalhin na sa ibang lugar.
Hindi naman tinukoy ni Galvez kung ilang mga bata ang babakunahan kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.