Biktima sa kasong rape ng konsehal: “Ang gusto ko, hustisya at hindi pera”

September 30, 2021 - 05:50 AM

Iginiit ng 18-anyos na biktima umano ng pag-kidnap at rape ni Councilor Arkie Manuel Yulde sa Lopez, Quezon.

Ito ay matapos siyang alukin umano ni Quezon Governor Danilo Suarez ng P3 milyon para iurong ang mga kasong isinampa sa korte laban sa konsehal.

Sa press conference ng grupong Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc., isiniwalat na biktima, kasama ang kaniyang ina, na mayroon umanong pinapuntang abogado at dalawa pang tauhan ang gobyerno sa dati nilang tirahan sa Pasig upang aregluhin sana ang kaso.

Ayon sa ina ng biktima, sinabi umano ng nagpakilalang abogado ni Suaraz na ibibigay agad ang P2 milyon kung papayag at iaabot naman ang P1 milyong balanse pagkatapos pumirma ng Affidavit of Desistance sa harapan ng piskalya.

Ngunit, hindi pumayag ang nanay ng biktima.

Hindi siya pumayag sa alok dahil nais aniya ng kaniyang anak na makamit ang hustisya, hindi ang pera.

Sinabi pa ng ina na pinagbantaan din umano ng mga tauhan ni Suarez ang biktima na hindi makakamit ang hustisya dahil ipapapatay ito at babayaran ang mga piskal at huwes na mag-aasikaso ng mga kaso.

Nanawagan naman ang biktima kay Suarez na huwag nang pakialaman ang kaso laban kay Yulde.

Hinuli si Yulde ng mga awtoridad sa bayan ng Lopez noong gabi ng September 20. 7345-R.

Walang piyansa ang kaso ni Yulde at mananatili siyang nakakulong habang dinidinig ang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.