Pharmally executive na si Mago nasa kostudiya na ng Kamara
Nasa kostudiya na ngayon ng House of Representatives si Pharmally executive Krizle Grace Mago.
Ito ay matapos ang ilang araw na naiulat na nawawala si Mago.
Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson Representative Michael Edgar Aglipay, bandang 6:30 kagabi nang mapasailalim sa kanilang kostudiya si Mago.
Matatandaang si Mago ang opisyal ng Pharmally na nagsabi sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee na inatasan siyang palitan ang expiry date ng face shield na binili ng pamahalaan.
Inalok ng kostudiya ng Senado si Mago noong Biyernes subalit hindi na makontak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.