Clinical trials sa langis ng niyog at lagundi kontra COVID 19 positibo ang resulta – DOST

By Jan Escosio October 01, 2021 - 02:09 PM

Tapos na at maganda ang mga resulta sa isinagawang clinical trials sa virgin coconut oil at lagundi bilang gamot kontra COVID 19.

 

Ito ang ibinahagi ni Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development.

 

Ayon kay Montoya positibo ang mga resulta sa paggamot gamit ang virgin coconut oil at lagundi sa mga pasyente na nakakaranas ng mild at moderate symptoms ng COVID 19.

 

Ibinahagi ito ni Montoya sa pagkamusta ni Sen. Francis Tolentino ukol sa potensyal na maaring magamit na gamot laban sa COVID 19 ang purong langis ng niyog at lagundi.

 

Kabilang si Montoya sa humarap sa pagdinig ng Senate Finance Subcommittee J sa hinihinging pondo ng DOST para sa susunod na taon.

 

Ayon pa sa opisyal, inaasahan nila na matatapos sa susunod na buwan ang clinical trials sa paggamit naman ng tawa-tawa sa mga pasyente ng COVID 19.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.