‘Singer’ na nais tumakbo sa pagka-pangulo ng bansa, hinarang
Papunta sana si Daniel Magtira sa Sofitel Hotel para maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngunit hindi niya ito naisakatuparan.
Nais ni Magtira na sumabak sa presidential race sa 2022 elections bilang isang singer.
Sabi pa niya nais niya na maging runningmate sina Vice President Leni Robredo o Sen. Risa Hontiveros at ayaw niya kay Kris Aquino.
Dahil sinabi niya na isa siyang singer, nagbitbit pa ng cassette player si Magtira at aniya ang kikitain niya sa pagkanta kapag siya ay nahalal ay paghahati-hatian ng lahat ng Filipino.
Ngunit natuldukan na ang pangarap ni Magtira dahil hinarang na siya ng mga pulis kayat hindi na nakapaghain ng kanyang COC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.