Tugade, nag-inspeksyon sa development projects sa Port of Zamboanga
Nagsagawa ng inspeksyon si Transportation Secretary Art Tugade sa ginagawang konstruksyon sa Port of Zamboanga, araw ng Martes, September 28.
Ito ay matapos pangunahan ang inagurasyon ng development projects sa Zamboanga International Airport.
Oras na makumpleto, kaya nang ma-accommodate sa pantalan ang 3,500 pasahero. Malalagpasan nito ang passenger capacity ng Port of Cagayan de Oro.
Sinabi rin ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na inayos din ang security system sa Port of Zamboanga.
Ani Santiago, inaasahang magkakaroon ng karagdagang pasilidad sa pantalan, kabilang ang prayer room, food court, at elevators.
Maliban sa pagpapabuti ng maritime mobility sa probinsya at kalapit-lalawigan, inaasahang magsisilbi rin itong ‘catalyst’ para sa socio-economic, tourism, at livelihood opportunities sa buong Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.