Pagtulong ngayon pandemya hindi dapat kulayan ng pulitika – Sen. Go
Umapila si Senator Christopher Go sa opisyal ng gobyerno na iwasan na haluan ng pulitika ang mga ginagawang pagkilos ngayon nahaharap pa rin ang bansa sa krisis-pangkalusugan.
Kabilang sa apila ni Go ang mga nagbabalak kumandidato sa papalapit na 2022 national and local elections.
“Nalalapit na ang filing ng Certificate of Candidacy para sa halalan sa susunod na taon. Patungo muli tayo sa sagradong proseso sa ating demokratikong sistema kung saan pipili na naman ang taumbayan ng mga taong mamumuno at magsisilbi sa kanila,” sabi ng senador.
Paalala pa nito sa mga politiko na ang pagsisilbi sa kapwa ay dapat para sa interes at kapakanan ng mamamayan.
Dagdag pa nito, kahit na nalalapit na ang election period, ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat pa rin sumusunod sa kanilang mandato at ginagawa ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.