75% ng mga Filipino sinabing dapat sundin ang term limit ng pangulo
Maraming Filipino ang nagsabing dapat ay masunod ang itinakdang anim na taon na termino ng pangulo ng bansa base sa 1987 Constitution, base sa resulta ng Social Weathern Station (SWS) survey.
Sa resulta ng survey na isinasagawa noong Hunyo 23 – 26 at may 1,200 respondents, 75 porsiyento ang sumang-ayon na dapat sundin ang term limit ng pangulo ng bansa.
Ito ay nangangahulugan na net agreement score na +64 porsiyento, na ‘very strong’ ayon sa SWS.
May 14 naman na walang naisagot at 11 porsiyento lamang ang kumontra. Nais nila na simula pitong taon ang kada termino ng pangulo at anila dapat ay dalawang termino.
Sa mga sumang-ayon, pinakamarami sa Visayas sa +75 porsiyento, +64 sa Mindanao, +61 porsiyento sa Metro Manila at +60 porsiyento sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.