Dumami pa ang Filipino na walang trabaho noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, 8.1 percent ang naitalang August unemployment rate mula sa 6.9 percent noong Hulyo.
Ito, ayon pa kay Mapa, ay nangangahulugan na umakyat sa 3.88 milyong Filipino ang walang trabaho noong Agosto.
Samantala, ang underemployment naman ay naitala sa 14.7 porsiyento , mababa sa naitalang 20.9 porsiyento noong Hulyo.
Paliwanag ni Mapa nangangahulugan naman na 6.48 milyon ang nangangailangan ng karagdagang oras ng trabaho o oportunidad para makapag-trabaho.
Kaugnay pa nito, umabot sa 91.9 porsiyento ang employment rate noong Agosto na mababa sa 93.1 porsiyento noong Hulyo.
Pagpapakita ito na may 44.23 milyon ang may trabaho noong nabanggit na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.