Netizens, nagkakagulo na dahil sa pulitika

By Kathleen Betina Aenlle May 04, 2016 - 04:38 AM

 

Mula sa inquirer.net

Mistulang giyera ang nangyayari halos araw-araw sa pagitan ng mga netizens sa mga social media platforms dahil sa batuhan ng opinyon, maayos man o marahas, sa isa’t isa.

Kaniya-kaniyang tawagan ng Dutertard, Yellowtard, BINAYaran at Poetard ang mga netizen na hindi nagkakasundo sa mga opinyon at paniniwala kaugnay sa mga sinusuportahan nilang kandidato.

‘Dutertards’ ang tinatawag ng mga netizens sa mga taga-suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ‘Yellowtards’ sa mga taga-suporta nina Pangulong Aquino at mga manok nitong sina Mar Roxas at Rep. Leni Robredo.

Samantalan ‘BINAYarans’ sa mga supporters ni Vice President Jejomar Binay at ‘Poetards’ naman sa mga sumusuporta kay Sen. Grace Poe.

Ayon sa statistics mula sa Internet tracker na Tech Cellar Business Solutions, halos 50 percent o kalahati ng mga gumagawa ng ingay sa internet na tinatawag na “share of voice (SOV)” ay puro mga “Dutertards”.

Ang SOV ay ang porsyento ng mga taong tumatalakay sa isang partikular na kandidato, pati na ang mga sumasagot sa mga balita tungkol dito, gumagawa o nagbabahagi nito.

Karamihan sa mga matatapang at mapagbantang supporters ay iyong kay Duterte na walang sinasanto sa pagbanat sa mga umaatake sa kanilang kandidato.

Ayon pa kay Kankan Ramos na isang digital marketing practitioner, si Duterte lamang ang may “army” ngunit nakatuon ito sa pambabato ng putik sa mga kalaban at bullying.

Hindi aniya responsable ang mga Duterte supporters, na ayon naman sa journalist na si Philip Lustre, ay walang kakayahang sumali sa isang sibilisadong debate.

Ayon naman kay Jonji Gonzales ng mugstoria.com, mahilig sa katuwaan ang mga supporters ni Duterte, at nakikita ng mga millenials ang kanilang sarili kay Duterte dahil siya ay “raw and authentic.”

Mula nang mag-umpisa ang panahon ng kampanya, kaliwa’t kanang cyberbullying na ang ginagawa ng mga supporters sa isa’t isa.

Kaugnay nito, sinabi pa ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ngayon lang siya nakakita ng ganito kalubhang bullying.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.