Pag-anunsyo ng susuportahang kandidato, ipinagpaliban muli ni Bro. Mike Velarde

By Kathleen Betina Aenlle May 04, 2016 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Muling ipinagpaliban ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde ang pag-anunsyo kung sino ang kaniyang susuportahan na mga kandidato sa halalan.

Noong Linggo, sinabi ni Velarde na iaanunsyo na ang mga pangalan ng susuportahan niyang kandidato.

Ngunit, hindi rin naman ito natuloy, at sa halip ay iaanunsyo na lang aniya niya ito sa Sabado, dalawang araw bago ang mismong eleksyon sa May 9.

Katwiran ni Velarde, wala siyang narinig na maganda sa kampanya ng mga kandidato kaya hindi pa siya nakakapili.

Kasabay ng kaniyang pag-anunsyo ng personal na susuportahang kandidato, ay ang paglalabas rin ng resulta ng survey sa kanilang mga miyembro sa Sabado.

Bagaman siya ang pinuno ng El Shaddai, nilinaw naman ni Velarde na ang ieendorso niya ay personal niyang pinili at hindi niya pipigilan ang kanilang mga miyembro na pumili ng sarili nilang mga kandidato.

Sa puntong ito, sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas pa lamang ang mga kandidato sa pagkapangulo na humiling ng endorsement ni Velarde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.