Hiling na extension nina Wong at Deguito sa pag-file ng affidavit, ibinasura

By Kathleen Betina Aenlle May 04, 2016 - 04:22 AM

 

Deguito-Kim-Wong-620x440Humingi ang kampo nina dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito at casino junket operator Kim Wong sa Department of Justice ng karagdagang isang linggo para makapag-sumite ng kanilang counter-affidavit.

Matatandaang sinampahan ng kasong money laundering ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa hinihinalang pagkakasangkot nila sa pagsa-salin ng ninakaw na $81 million mula sa Bangladesh Bank patungo sa RCBC.

Ngunit hindi pinagbigyan ng DOJ ang apela nina Atty. Ferdinand Topacio na abogado ni Deguito, at Atty. Kristoffer Purisima na abogado naman ni Wong.

Sa halip, binigyan lamang sila hanggang alas-5 ng hapon kahapon upang maglabas ng kanilang affidavit.

Giit nina Topacio at Purisima, handa naman silang maglabas ng affidavit, ngunit ang punto ng paghingi nila ng extension ay dahil kakasampa rin lang ng kaso laban sa Philrem Service Corp. na isinasangkot rin sa kaso ng money laundering.

Marapat lang ani Purisima na sabay-sabay silang maghain ng kanilang mga counter-affidavits dahil pare-pareho lang naman ang kasong isinampa sa kanila at iisang isyu lang ang kanilang kinasasangkutan.

Kinwestyon rin ni Topacio kung bakit hindi man lang nakasuhan ang mga pinuno ng RCBC, gayong sa bangkong ito napasok ang pera.

Ani pa Topacio, malaking kaso ang money laundering kaya dapat maingat ang paghawak dito ngunit tila minamadali sila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.