Mali ang pagkahol ni Pangulong Duterte sa contractor ng bagong Senate building

By Jan Escosio September 29, 2021 - 08:58 AM

Sinabi ni Senator Panfilo Lacson mali ang ibinigay na mga impormasyon kay Pangulong Duterte ukol sa ginagawang bagong Senate Building sa Taguig City.

Ayon sa senador dapat ay tinanong ni Pangulong Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

“It was the DPWH that prepared the Program Of Works, the Terms of Reference and all bid documents, conducted the bidding, awarded, prepared the contract, signed the contract, and issued the notice to proceed, including the cost of the building,” sabi pa ni Lacson.

Ibinahagi nito na nagsilbing ‘observer’ lamang sa proseso ang kinatawan ng Senado.

Dagdag pa ng senador, matapos maibigay ang ‘notice of award’ binalaan pa niya ang contractor sa harap ng ilang opisyal ng DPWH na huwag magbigay ng ‘lagay’ kahit kanino partikular na kaugnay sa pagpapatayo ng bagong Senate building.

Unang pinuna ni Pangulong Duterte na ang Hilmarcs, ang contractor ng ginagawang Senate building, ang nagtayo ng sinasabi niyang overpriced na Iloilo Convention Center at Makati City Hall Building 2.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.