Pagpapa-utang sa mga maliliit na negosyo gawing simple – Sen. Sonny Angara
Hinimok ni Senator Sonny Angara ang Department of Trade and Industry (DTI) nag awing madali sa mga maliliit na negosyo ang maka-utang.
Base ito sa obserasyon aniya na nahihirapan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na makautang sa mga bangko para sa kanilang negosyo.
Ayon kay Angara maraming hinihingi ang mga bangko mula sa mga nangungutang at dito nahihirapan ang mga maliliit na negosyo.
“They need all the help they can get especially from government. Kumikita sila ng kaunti pero hindi sapat ito para mabayaran ang kanilang mga bills tulad ng sa kuryente at tubig,” sabi pa ni Angara.
Sinabi ni Angara na malaking tulong ang Small Businnes Corp. (SBC) ng DTI para sa mga maliliit na negosyo na nangangailangan ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng inaalok na ‘low interest loans.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.