5-year plan sa Korte Suprema, mga korte inilatag ni CJ Alexander Gesmundo

By Chona Yu September 28, 2021 - 12:35 PM

Inilatag ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang mga plano, programa at vision para sa  limang taon pa niyang pamumuno sa hudikatura sa harapan ng Board of Governors at mga miyembro ng Philippine Constitution Association (Philconsa).

 

Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal sa online celebration ng 60th Founding Anniversary ng Philconsa, inihayag ng Punong Mahistradi na sa tulong kanyang mga kapwa mahistrado sa Korte Suprema, plano niyang tumututok sa case decongestion at magkaroon ng technology-driven judiciary.

 

Sinabi ng Punong Mahistrado na sinimulan ng Korte Suprema ang isang Case Decongestion Program sa pag-asang mababawasan ang kanilang backlogs.

 

Inamyendahan aniya ng korte ang kanilang internal rules upang maka-comply sa Constitutional mandate na dalawang taon para sa resolusyon ng mga kaso.

 

Binigyan diin din ni Chief Justice Gesmundo ang kahalagahan ng pagpili ng competent judges.

 

Inobliga ng Judicial and Bar Council (JBC) ang non- judge applicants na sumailalim sa Prejudicature Program ng  Philippine Judicial Academy (PhilJA), upang matukoy ang kanilang kahandaan at pagiging angkop sa posisyon.

 

Binanggit din ng Chief Justice ang pagtatatag  ng Judicial Integrity Board (JIB), na may exclusive jurisdiction na mag-imbestiga sa judicial misconduct at magrekomenda ng akmang kaparusahan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.