19 Jesuits priests, seminarista sa Ateneo nag-positibo sa COVID 19

By Jan Escosio September 28, 2021 - 12:28 PM

Matapos tamaan ang ilang ampunan at kumbento sa Quezon City, sa isang seminaryo naman sa lungsod ang may outbreak ng COVID 19.

 

Sa paunang ulat, apat na gusali ng Jesuits ang naka-lockdown dahil sa 19 pari at seminarista na nagpositibo sa nakakamatay na sakit.

 

Nabatid na sa Arrupe International Residence, 14 banyagang seminarista ang nadiskubreng may COVID 19. Dalawang pari at dalawang Filipinong seminarista sa Loyola House ang positibo sa sakit, bukod pa sa isang seminarista sa Jose Seminary.

 

Ang tinatawag na Infirmary, na tinutuluyan ng mga retiradong pari ay noon pang nakaraang taon naka-lockdown.

 

Inihiwalay ang mga matatandang pari sa mga aktibo at seminarista para maiwasan ang hawaan ng buong komunidad.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.