Expiry date sa face shield ipinagtataka ni Pangulong Duterte
Labis na ipinagtataka ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng expiry date ng mga biniling face shields ng gobyerno para sa medical frontliners.
Sa Talk to the People, natanong ng Pangulo kung paano nagkaroon ng expiration ang plastic kung maayos naman na nailalagay ang mga ito sa lalagyan.
“Paano ito mag-expire? Unless abusuhin mo, itapon-tapon mo. Pero kung isuot mo lang at ilagay mo nang magandang pagkalagay, ganoon, paanong mag-expire ‘yan?” tanong ng Pangulo.
Sinagot naman siya ni Health Sec. Francisco Duque III at ayon sa kalihim tatlong taon lamang ang ‘shelf life’ ng medical-grade face shield dahil it ay may foam.
“Iyon pong medical grade na face shield katulad po nito, iyon nga lang mayroon pong foam, may foam dito po sa bandang taas na kapagka sinuot po ‘yan, iyong foam nandito po ‘yan ano. Iyong foam po iyon ang nagiging — nagde-deteriorate sa habang — sa mahabang panahon, brittle and nagiging powder, sir, at saka ‘yung kanyang garter nagiging brittle din po at ‘yun po ang tinatawag natin na may shelf life of about 36 months, ” paliwanag ni Duque kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.