Police power gagamitin sa mga ayaw magpabakuna – Pangulong Duterte

By Chona Yu September 28, 2021 - 10:17 AM

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga ayaw magpaturok ng COVID 19 vaccine na gagamitin niya ang police power para mabakunahan ang mga ito.

 

Paliwanag ng Punong Ehekutibo ito naman ay para mas marami ng Filipino ang magkaroon ng proteksyon at maabot ang ‘herd immunity’ sa pinakamabilis na panahon.

 

Aniya maiitindihan niya kung ang dahilan ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna, ngunit diin niya ibang usapan na kung maraming bakuna at ayaw pa rin magpaturok.

 

Paniwala ni Pangulong Duterte nagiging carrier ng virus ang hindi pa bakunado.

 

Dagdag pa nito, wala siyang pakialam kung relihiyon naman ang ginagamit na dahilan kayat ayaw magpabakuna.

 

Hindi naman nakikialam ang gobyerno sa mga paniniwalang pang-relihiyon, ngunit ibang usapan na kung may pandemya.

 

Ngayon, higit 20 milyon na sa bansa ang fully vaccinated.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.