Binabantayang bagyo, maaring pumasok sa bansa sa Martes

By Angellic Jordan September 27, 2021 - 08:10 PM

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo na may international name na “Mindulle” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,475 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan.

Nasa typhoon category pa rin ang bagyo dahil taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 190 kilometers per hour.

Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Ani Figuracion, maaring pumasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa sa araw ng Martes, September 28.

Sakaling pumasok na ng PAR, tatawagin na itong “Lannie”.

Sa ngayon, nakakaapekto ang trough ng bagyo sa Silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Bunsod nito, asahan aniya ang pulo-pulong thunderstorms sa buong bansa, kasama ang Metro Manila ngunit magiging maaliwalas pa rin ang panahon sa Lunes ng gabi.

TAGS: InquirerNews, LanniePH, Mindulle, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate, InquirerNews, LanniePH, Mindulle, Pagasa, RadyoInquirerNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.