Zero-vote campaign laban sa LP oks lang sa Malacañang

By Alvin Barcelona May 03, 2016 - 04:48 PM

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Dedma ang Malacañang sa banta ng isang grupo ng magsasaka na bokya o zero vote ang matatanggap ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas mula sa kanila.

Reaksyon ito ng Palasyo sa panakot ng Kilusang Magbubukid ngPilipinas (KMP) kasunod ng madugong pagbuwag sa kilos protesta sa Kidapawan City na ikinamatay ng dalawang magsasaka at ikinasugat ng marami pang iba.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, sa ilalim ng demokrasya ay may kalayaan ang mga mamamayan na bumoto ayon sa kanilang konsensya at saloobin.

Una nang binatikos ng grupo ang kawalan ng solusyon ng pamahalaan sa El Niño phenomenon na dahilan ng pagkasira ng pananim at kakulangan ng suplay ng makakain bigas ng mga magsasaka sa Kidapawan City at North Cotabato.

Sinabi rin ni Coloma na hindi na nagpapa-apekto ang pamahalaan sa mga pulitika basta’t ang mahalaga ay maihatid ng gobyerno ang kanilang mga ipinangako sa publiko.

TAGS: Coloma, kidapawan, kmp, Malakanyang, zero vote, Coloma, kidapawan, kmp, Malakanyang, zero vote

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.