Tumanggi nang magbigay ng kaniyang pahayag si S/Supt. Ronald Dela Rosa kaugnay sa kaniyang pagkaka-relieve bilang Brigade Commander ng PNP Reactionary Standby Support Force (RSSF).
Sa pakikipag-ugnayan kay Dela Rosa sinabi nito na ayaw na niyang magsalita pa hinggil sa kaniyang pinost sa facebook dahil na-relieved na siya bilang brigade commander.
Sa kanyang FB post, mistulang may pagkiling sa isang kandidato ang isang mensahe nito na nagbabanta sa mga mandadaya at manggugulo sa eleksyon laban sa kanyang kandidatong sa presidential election.
Si Dela Rosa ay dating Chief of Police ng Davao City at residente din ng nasabing lungsod.
Ayon naman kay Deputy D/Gen. Danilo Constantino, paiimbestigahan na rin nila ang posibleng administrative liabilities ni Dela Rosa dahil sa kaniyang mga social media post.
Si Dela Rosa ay miyembro ng PMA Class of 1986 na nauna nang binigyan ng parangal ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagkakadakip sa Malaysian terrorist na si Mohd Noor Fikrie Binabd Hahar at sa kanyang asawa na si Annabel Nieva Lee sa davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.