Development projects sa GenSan airport, seaport nakatakdang pasinayaan
Nakatakdang pangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inagurasyon ng inayos na General Santos Airport at Port of Makar sa General Santos City.
Makakasama ng kalihim si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco sa inagurasyon ng mas pinalawak at ni-rehabilitate na Passenger Terminal Building ng General Santos International Airport sa Huwebes, September 23.
Sa mas pinalaking Passenger Terminal Building, maaring ma-accommodate ng paliparan ang hindi bababa sa dalawang milyong pasahero kada taon.
Mas mataas ito kumpara sa naserbisyuhang 800,000 pasahero kada taon bago ayusin.
Maliban dito, pasisinayaan din ang bagong navigational aids at CAAP Administration Building.
Inaasahang makatutulong ang navigational aids para makatulong sa paggabay sa aircraft landing at takeoff, habang ang CAAP Administration Building naman ang gagamitin sa iba’t ibang pasilidad para sa mas magandang serbisyo.
Samantala, nakumpleto na rin ang development projects sa Port of Makar kung saan sakop ang Port Operations Building at iba pang pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.