Isang konsehal sa Lopez, Quezon inaresto dahil sa kaso ng pagdukot at panggagahasa

September 21, 2021 - 03:40 PM

Inaresto ang isang konsehal sa Lopez, Quezon dahil sa kinakaharap na kasong pagdukot at panggagahasa sa 18-anyos na pamangkin ng kanyang live-in partner na si Cynthia Alvarida.

Ayon kay Quezon police director Col. Joel Villanueva, hinuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca, kasama ang Lopez at Catanuan Municipal Police Stations, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion, si Municipal Councilor Arkie Manuel Yulde sa kanilang bahay bandang 7:30 ng gabi.

Kasunod ito ng inilabas na dalawang arrest warrants na inilabas ni Rosales, Pangasinan Regional Trial Court Branch 53 presiding judge, Judge Roselyn Andrada-Borja.

Nahaharap si Yulde sa mga kasong paglabag sa Section 5 (b) Article 111 ng Republic Act 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 7344-R, at kidnapping at serious illegal detention with rape sa ilalim ng Criminal Case No. 7345-R.

Hindi maaring makapagpiyansa ang konsehal sa mga nabanggit na kaso.

Matatandaang inakusahan si Yulde ng isang alyas “Weng” dahil sa umano’y ilang ulit na panggagahasa nang siya’y ikinulong sa isang hotel sa Rosales mula April 17 hanggang 22, 2021.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.