Failure of elections malabong mangyari sa mga lugar na may granular lockdown
By Chona Yu September 21, 2021 - 07:03 PM
Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na malabong magkaroon ng failure of elections sa 2022 sa mga lugar na may granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroong mga botante na hindi makakaboto dahil sa pagpapatupad ng granular lockdown, maaari silang bigyan ng konsiderasyon ng Commission on Elections (COMELEC) at bomoto sa ibang araw.
Ayon kay Roque matagal ng ginawa ng Comelec na nagbibigay ng pagkakataon sa mga botante na hindi makalaboto sa mismong araw ng halalan dahil sa force majore o hiningi ng pagkakataon dahil sa emergency dulot ng man made o natural calamity.
Ang granular lockdown policy para kontrolin ang pagkalat ng pandemya ng COVID 19 ay ipapatupad sa buong bansa sa sandaling magtagumpay ang pilot testing nito sa National Capital Region o NCR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.