Pharmally exec Linconn Ong inaresto, nakakulong sa Senado

By Jan Escosio September 21, 2021 - 06:27 PM

(Senate PRIB)

 

Sa pagdalo niya sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing ukol sa sinasabing overpriced COVID-19 supplies, inaresto ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Director Linconn Ong.

Inanunsiyo pa ni Ong sa pagdinig na naghahanda na siya ng mga dadalhing gamit dahil inaaresto na siya ng mga tauhan ng Senado.

Una nang tinangkang arestuhin si Ong ngunit inilagay na lamang siya sa house arrest nang lumabas na positibo siya sa COVID-19.

At nang ideklarang negatibo na siya sa nakakamatay na sakit ay inaresto na siya sa utos ni Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa komite.

Ipina-contempt si Ong dahil sa paniniwala ng mga senador na nagsisinungaling ito at umiiwas na sagutin ang kanilang mga tanong.

Ngayon ay nakakulong na sa detention facility sa Senado si Ong at posible na ilipat ito sa Pasay City Jail maging sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

TAGS: COVID-19 supplies, National Bilibid Prisons, Office of the Sergeant-at-Arms, Pharmally Pharmaceutical Director Linconn Ong, COVID-19 supplies, National Bilibid Prisons, Office of the Sergeant-at-Arms, Pharmally Pharmaceutical Director Linconn Ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.