Protektahan ang mga maliliit na negosyo, pakiusap ni Sen. Migz Zubiri
Itinulak ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pag-amyenda sa Retail Trade Liberalization Act, na layong makapanghikayat pa ng mas maraming banyagang mamumuhunan sa bansa.
Ngunit kasabay nito ay ang kanyang paninindigan na protektahan ang mga maliliit na negosyo sa bansa.
Kahapon, inaprubahan na sa Senado ang bicameral conference committee report para maamyendahan ang nabanggit na batas para bumaba sa P25 milyon mula sa P125 milyon ang capitalization requirement para sa mga banyaga na nais mamuhunan sa bansa.
Ipinaglaban ni Zubiri ang P25 milyon sa P10 milyon ng mga nais ng mga miyembro ng Kamara.
“We did this to protect our micro-, small-, and medium enterprises. Because while we gladly welcome foreign investors, we must always prioritize the interests of our local business sector, particularly our MSMEs who make up 99 percent of our corporate taxpayers. Lalo na ngayong patuloy pa rin and pandemya at marami pa sa kanila ang hindi nakaka-recover mula dito,” sabi ni Zubiri.
Diin ng senador kailangan balansehin ang kapakanan ng mga lokal na negosyante at kasabay nito ay makapanghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.