Mga preso sa Bilibid sasanayin ng TESDA sa urban gardening

By Jan Escosio September 20, 2021 - 08:49 PM

Hindi hadlang ang mga rehas at matataas na konkretong pader ng National Bilibid Prison (NBP) para hindi matuto ng lumalawig na urban gardening ang mga preso.

Nakipagkasundo ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bureau of Corrections at Department of Agriculture (DA) para sa pagkasa ng ‘Bagong Buhay sa Gulay’ project sa loob ng pambansang piitan sa Muntinlupa City.

Sa inilabas na pahayag ng TESDA, sinabi na ang proyekto ay bahagi ng kanilang mandato na sanayin maging ang mga tinatawag na persons deprived of liberty o PDLs na umangat ang uri ng pamumuhay at makabalik sa komunidad.

Sasanayin ng TESDA ang ilang preso sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay sa hardin, samantalang ang DA naman ang magbibigay ng mga punla, buto ng mga halaman at kagamitan.

Sinabi ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapeña kahit nakakulong hindi dapat pagkaitan ng mga oportunidad ang mga preso dahil maari pa rin mapakinabangan ang kanilang kakayahan at potensyal.

“This training will not only teach them about crops planting but they will also be able to help our government’s food security program as they produce their own food,” sabi pa ng opisyal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.