P7.4B halaga ng mga ‘fake branded items’ sinira ng Customs Bureau

By Jan Escosio September 20, 2021 - 08:35 PM

Gamit ang malaking ‘shredder,’ ginutay-gutay ng Bureau of Customs ang may P7.4 bilyong halaga ng mga nakumpiskang smuggled fake items.

Nabatid na ang mga nakumpiskang gamit ay mula sa Bagong Milenyo sa Pasay City at dinala sa isang pasilidad sa Valenzuela City para was akin.

Kabilang sa mga sinira ay mga pekeng Louis Vuitton, Crocs sandals, at Nike shoes na ang kabuuang halaga ay P7,429,638,000.

Samantala ang mga kemikal gaya ng shabu ay hinaluan ng ibang kemikal para hindi makasira sa kalikasan.

Tiniyak naman ng BOC – Port of Manila na kahit may pandemya ay paiigtingin nila ang pagbabantay ng mga pumapasok na bagay sa bansa bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa smuggling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.