Binawi n ani Manila City Mayor Isko Moreno ang liquor ban sa lungsod.
Ayon kay Mayor Isko, maari nang magtinda ngayon ang mga estabslisyeento ng alak ngayong nasa Alert Level 4 ng General Community Quarantine ang Metro Manila.
Kasabay nito, nilagdaan din ni Mayor Isko ang Executive Order No. 29, series of 2021, para maging pormal ang lifting ng liquor ban.
Ayon kay Mayor Isko, binawi ang liquor ban matapos ang ginawang konsultasyon sa mga opisyal ng gobyerno at mga kinatawan ng mga negosyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.