Nasa likod ng pekeng endorsement letter ng INC kay Duterte, kakasuhan

By Dona Dominguez-Cargullo May 03, 2016 - 06:43 AM

FakeMagsasampa ng reklamo ang Iglesia ni Cristo (INC) sa nasa likod ng kumalat na pekeng liham na naglalaman ng endorsement umano ng religious sect sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang nasabing liham ay makikitang may INC logo at may lagda pa ni INC executive minister Eduardo Manalo ay ipinadala sa media kahapon.

Ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala, hindi galing sa kanila ang naturang endorsement letter.

Sa sandali aniyang ma-trace nila kung saan nagmula ang pekeng endorsement letter ay magsasampa sila ng reklamo. “The moment we identify the person/s responsible for this fraudulent ‘letter’ containing the forged signature of Bro. Eduardo Manalo, we will charge them in court,” ani Zabala.

Sa kopya ng liham na ipinadala sa Inquirer, nakasaad na iniendorso umano ng INC si Duterte. Binanggit din na si Duterte ay good example at God-fearing.

Ayon sa ilang miyembro ng INC na nag-share ng pekeng liham, halatang dinuktor lang ang liham dahil mali ang mga terminong ginamit.

Hindi rin umano inilalabas sa internet ang liham ni Manalo at hindi ginagamit ang social media para ito ay ipakalat.

 

TAGS: INC says endorsement letter for Duterte is fake, INC says endorsement letter for Duterte is fake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.