Netizen na pinutakti ng ‘hate messages’ mula sa mga Duterte supporters, dumulog sa NBI

By Jay Dones May 03, 2016 - 04:46 AM

 

Inquirer file photo

Naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation ang isang netizen makaraan itong makatanggap ng katakut-takot na ‘hate messages’ makaraan niyang batikusin sa social media si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Mga kasong grave threats, paglabag sa Cybercrime Prevention Act at iba pang kaso na may kinalaman sa Omnibus Election Code ang inihaing reklamo ni Renee Karunungan sa ilang mga sinasabing Duterte supporters na ‘nam-bully ‘ umano sa kanya sa social media.

Una rito, nag-post ng komento si Karunungan sa kanyang blog at sa social media kung saan sinabi nitong ‘lazy choice’si Duterte sa hanay ng mga presidentiables.

Kinastigo rin ng blogger si Duterte dahil sa mga extrajudicial crimes na kinasasangkutan umano nito sa lungsod ng Davao.

Dahil sa kanyang mga sinasabi sa blog post, pinutakti na ito ng katakut-takot na ‘hate comments’ mula sa mga netizens na sumusuporta sa alkalde.

Ilan sa mga komento ang humihiling pa na sana ay may mangyaring masama dito at maging sa kanyang pamilya.

Dahil dito, nagpasya na si Karunungan na maghain ng reklamo kontra sa mga nagpo-post ng mga ‘hate messages’ at pambu-bully laban sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.