BPI, ayaw nang magkomento kaugnay sa Duterte accounts

By Kathleen Betina Aenlle May 03, 2016 - 04:43 AM

 

Inquirer file photo

Nagdesisyon ang Bank of the Philippine Islands (BPI) na hindi na sila maglalabas ng anumang komento tungkol sa mga umano’y bank accounts ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanila.

Sa statement ng BPI, sinabi nila na hindi na sila magkokomento kaugnay sa naganap na paghaharap nina Sen. Antonio Trillanes at Atty. Sal Panelo na abogado ni Duterte sa branch ng bangko sa Julia Vargas, Pasig City.

Ito anila kasi ay magiging labag na sa kanilang prinsipyong pinanghahawakan kaugnay ng client confidentiality.

Nangako rin ang BPI na po-protektahan nila ang impormasyon ng kanilang mga kliyente bilang pangangalaga sa tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanila.

Una nang itinanggi ng BPI na sila ang source ng mga impormasyong hawak ni Trillanes na basehan ng mga ibinabato niyang alegasyons sa alkalde.

Humingi naman ng isang linggong palugit ang BPI sa kampo ni Duterte upang makapaglabas ng certification na magpapatunay na kailanman ay hindi nag-laman ng P211 million ang accounts ni Duterte sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.