Karagdagang higit 750,000 doses ng Pfizer COVID 19 vaccines dumating sa bansa

By Jan Escosio September 16, 2021 - 08:49 AM

Dumating kagabi ang karagdagang 753,480 doses ng Pfizer COVID 19 vaccines.

Ang mga bakuna kontra COVID 19 ay lumapag sa NAIA Terminal 3.

Nabatid na 51,480 doses ang dinala sa Cebu, samantalang katulad na bilang din ang dinala naman sa Davao City.

Ang mga natira ay agad naman dinala sa Pharmaserv storage facility sa Marikina para maihanda sa pagpapadala sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Noong Lunes ng umaga, karagdagang dalawang milyong doses naman ng Sinovac vaccines ang dumating sa bansa.

Sa ngayon higit 57 million doses na ng ibat-ibang brand ng COVID 19 vaccines ang natanggap ng Pilipinas simula noong Pebrero.

TAGS: cebu, Davao, Pfizer COVID-19 vaccines, cebu, Davao, Pfizer COVID-19 vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.