Terror alert ng Japan sa Southeast Asia sinusuri na ng Defense Department
Kumilos na ang Department of National Defense para makumpirma ang terror alert ng Japan sa Southeast Asia, kabilang na ang Pilipinas.
Una nang nagpalabas ang Japan ng travel advisory ang Japanese Foreign Ministry sa kanilang mga mamamayan sa anim na bansa sa Timog Silangan Asya na iwasan ang mga matataong lugar dahil sa bansa ng suicide bombing.
Paliwanag ni Defense spokesman Arsenio Andolong ang lahat naman ng mga abiso ukol sa kaligtasan at seguridad ay dumadaan sa validation process.
Dagdag pa niya, simula noong mangyari ang Marawi siege ay nasa ‘heightened alert’ na ang kanilang puwersa kaugnay sa galaw ng mga terorista.
Sinabi pa ng opisyal na regular silang nakikipag-ugnayan sa iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno ukol sa mga banta ng terorismo sa bansa.
Sineryoso naman aniya nila ang babala ng Japan bagamat ayon sa paunang tugon ng AFP, wala silang natutunugan na ‘terror threat’ at ang bansa ay nasa ‘moderate threat level.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.