Pag-convert sa mga lupa bilang subdivision pinalagan ni Mayor Isko Moreno

By Chona Yu September 14, 2021 - 09:48 AM

Manila PIO photo

 

Hindi pabor si Manila Mayor Isko Moreno na gawing subdivision ang mga lupang sakahan sa bansa. Pahayag ito ni Mayor Isko matapos ang pakikipagpulong sa ibat-ibang grupo ng mga magsasaka. Ayon kay Mayor Isko, papabor lamang siya sa conversion ng lupa kung ito ay nakatiwangwang at hindi na mapakikinabangan. Sinuportahan din ni Mayor Isko ang panawagan ng mga magsasaka na iwasang ang importasyon ng pagkain. Ayon kay Mayor Isko, tama lang naman na unahin bilhin ang produkto ng mga lokal na magsasaka bago mag angkat sa ibang bansa. Kasama sa nagpulong ni Mayor Isko si dating   Department of Agriculture (DA) chief Leonardo ‘Leony’ Montemayor na ngayon ay kasapi na ng  Federation of Free Farmers Cooperatives (FFFC).

TAGS: conversion, Leonardo 'Leony' Montemayor, magsasaka, Manila Mayor Isko Moreno, Subdivision, conversion, Leonardo 'Leony' Montemayor, magsasaka, Manila Mayor Isko Moreno, Subdivision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.