Roosevelt Avenue sa QC inialay sa yumaong Da King Fernando Poe Jr.

By Jan Escosio September 14, 2021 - 09:14 AM

Lumusot na sa third and final reading ang panukala sa Senado na ipangalan ang Roosevelt Avenue sa Quezon City sa yumaong Fernando Poe Jr.

Sa botong 22-0-1, inaprubahan ng Senado ang House Bill 7499 para ipangalan na sa tinaguriang ‘Da King’ ang nabanggit na kalsada, na nasa unang distrito ng lungsod.

Nag-abstain sa pagboto ang anak ni FPJ, si Sen. Grace Poe bagamat pinasalamatan niya ang mga kapwa senador at aniya ikinatuwa niya ang panukala.

“I purposely abstained because of our rule that it might be a conflict of interest. But in my heart I am so happy that this has passed. So thank you very much,” sabi ni Poe matapos maipasa ang panukala.

Unang hiniling na ang Del Monte Avenue sa Quezon City ang isunod sa pangalan ni FPJ ngunit nagpasok ng amyenda si Senate President Vicente Sotto III at hiniling na ang Roosevelth Avenue na lamang ang isunod sa pangalan ng yumaong aktor.

TAGS: fernando poe jr, House Bill 7499, Roosevelt Avenue, fernando poe jr, House Bill 7499, Roosevelt Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.