Mga bakunadong APOR, libre pa rin ang pamasahe sa railway lines

By Angellic Jordan September 13, 2021 - 05:33 PM

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong September 12, nasa 22,836 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 3,924 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 16,992 sa MRT-3 habang 1,920 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 2,015,035 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Pinalawig muli ang libreng sakay sa railway lines kasabay ng pagpapatupad muli ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang September 15, 2021.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerNews, DOTrPH, InquirerNews, LibrengPamasahe, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.