Libreng sakay para sa mga frontliner, APOR umarangkada muli
Umarangkada na muli ang Libreng Sakay para sa mga medical frontliner, essential worker at Authorized Person Outside Residence (APOR) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, araw ng Lunes (September 13).
Nasa ilalim ang naturang programa ng Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
May iba’t ibang ruta ang libreng sakay sa Metro Manila, Region 1, Region 2 at Region 10.
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, layon ng programa na makatulong sa mga tsuper, operator at maging sa mga pasahero na naapektuhan ng pandemya.
“Layunin ng Service Contracting Program na makapagbigay ng dagdag kita sa mga drayber at operator sa gitna ng pandemya. Nais rin naming makatulong sa ating mga commuter sa pamamagitan ng pagbibigay ng Libreng Sakay, gayundin ng maayos, mabilis, at ligtas na pampublikong transportasyon,” saad ng kalihim.
Narito ang listahan ng mga ruta:
NATIONAL CAPITAL REGION
1) Alabang – Zapote
2) Baclaran – NAIA Baltao
3) Buendia – PITX
4) Cubao (Diamond) – Roces (PANTRANCO)
5) Cubao Rosario – Sta. Lucia
6) EDSA Busway
7) Gasak – Divisoria
8 ) Gasak – Recto
9) Lagro – QMC
10) Munoz – Quiapo
11) Nichols – MOA
12) Nichols – Vito Cruz
13) Novaliches – Malinta via Paso De Blas & Vice Versa
14) Parang Marikina – Cubao
15) Pasig Palengke to Bagumbayan via San Joaquin
16) QMC Loop
17) Quezon Avenue – 5th Avenue LRT
REGION 1
1) Dagupan City – Bambang
2) Urdaneta – Tayug via Asingan
3) Vigan – Sinait
REGION 2
1) Ilagan – Cauayan
REGION 10
1) Cagayan De Oro City – Kapatagan & Vice Versa
2) Cagayan De Oro City – San Fernando
Tiniyak namang mahigpit na ipinatutupad ang health and safety protocols sa lahat ng mga pampublikong transportasyon.
Inaasahang sisimulan na ring ipatupad ang Libreng Sakay sa iba pang rehiyon sa bansa sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.